"Binibigyan ng Tsina ang Hapon ng payo na hindi dapat nito iligaw ang opinyong pampubliko sa international occasions." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa nakatakdang pagsusulong ng Hapon sa magkasanib na komunike na ipapalabas ng G7 Summit na kasalukuyang idinaraos sa Brussels, Belgium para punahin ang Tsina sa mga pagbabago ng kasalukuyang kalagayan sa East China Sea at South China Sea na bunsod ng dahas; at kahilingan sa Tsina na magtimpi para pangalagaan ang katatagan ng rehiyon.
Sinabi ni Hong na talagang binabago ng Hapon ang kasalukuyang kalagayan sa East China Sea, hindi ng Tsina. Aniya, hindi mababago ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya ng bansa sa East China Sea at South China Sea, at pangangalaga sa interes sa karagatan at seguridad ng estado. Samantala, positibo rin ang Tsina sa paglutas ng mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo, dagdag pa ni Hong.