Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na tulad ng mga maling aktibidad ng kasalukuyang liderato ng Hapon, ang mga puwersang pampulitika sa Hapon ay mayroon ding maling ideyang pangkasaysayan at tinatangka nilang pabulaanan ang mapasalakay na kasaysayan ng kanilang bansa. Dagdag niya, dapat maging alerto at labanan ito ng lahat ng mga bansa at mamamayan sa daigdig, na nagmamahal sa kapayapaan.
Ipinahayag ni Hua na hindi pinagsisihan ng mga makakanang puwersang Hapones ang kapinsalaang dulot ng militarismo ng Hapon noong World War II. Aniya pa, tangka rin nilang baliktarin ang bagong kaayusang pandagidig na itinatag pagkaraan ng digmaan. Aniya, ang katarungang pandaigdig at pangkasaysayan ay hinding hindi mababaliktad ng Hapon.