Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa dumadalaw na Ministro ng Suliraning Panloob ng Cambodia na si Sar Kheng, ipinahayag ni Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina na nitong ilang taong nakalipas, pragmatiko at mabunga ang pakikipagtulungan ng Tsina sa Cambodia sa larangang pagbibigay-dagok sa telecom fraud, pagtutugis sa mga nakakatakas na kriminal, at pagpapalakas ng kakayahan sa pagpapatupad ng batas. Umaasa aniya siyang pahihigpitin pa ang koordinasyon ng dalawang panig sa pakikibaka laban sa ilegal na pagpasok ng mga terorista at pangangalaga sa kaligtasan ng internet, batay sa kanilang umiiral na tradisyonal na kooperasyong panseguridad.
Pagkaraan ng pag-uusap, nilagdaan din ng dalawang panig ang mga katugong dokumento.