
Ipinatalastas kahapon ni Anwar Asi, Tagapangulo ng Kataas-taasang Lupong Elektoral ng Ehipto ang pagwawagi ni Abdel-Fattah el- Sisi, dating pinuno ng panig militar ng Ehipto, sa katatapos na halalang pampanguluhan.

Sinabi ni Anwar Asi na 25.58 milyong botante ang lumahok sa nasabing halalan. Nakuha aniya ni Abdel-Fattah el-Sisi ang 23,78 milyong boto, at 760 libong boto naman ang nakuha ni Hamdeen Sabah, kalaban ni el-Sisi sa halalan, mula sa makakanang partido.
Ipinahayag din ni Asi na ang naturang halalan ay nasa ilalim ng pagsuperbisa ng Unyong Europeo at Aprikano.