Ipinatalastas kahapon ni Abdel-Fattah-al-Sisi, Ministro ng Pambansang Tanggulan ng Ehipto, na opisyal na siyang nagbitiw sa tungkulin para lumahok sa halalang pampanguluhan sa malapit na hinaharap.
Binigyang-diin niya na hindi makikialam ang Ehipto sa mga suliraning panloob ng ibang mga bansa at hindi rin nito pahihintulutan ang pakikialam ng ibang mga bansa sa suliraining panloob ng Ehipto.
Ayon sa ulat ng mga media ng Ehipto, kung magiging kandidato sa pagkapangulo si Abdel-Fattah-al-Sisi, malaki ang pagkakataon na magtagumpay siya.
Salin: Ernest