|
||||||||
|
||
Isang mensahe ang ipinadala kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang pagbati sa pagkakahalal ni Petro Poroshenko bilang bagong Pangulo ng bansang Ukraine.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Xi, na positibo ang Tsina sa pagpapasulong ng pakikipagtulungan sa Ukraine. Nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa Ukraine sa ibat-ibang larangan, batay sa prinsipyong paggagalangan at pagkakapantay na may mutuwal na kapakinabangan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |