"Umaasa ang Tsina na isasaalang-alang at igagalang ang pagkabahala, karapatan at interes ng ibat-ibang panig sa Ukraine at maayos na malulutas ang kasalukuyang krisis ng bansa batay sa balangkas ng batas at kaayusan." Ito ang ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagtutol ng Amerika at mga bansa ng Europa sa resulta ng reperendum na idinaos kamakalawa sa Donetsk at Luhansk, dalawang lalawigan sa silangan ng Ukraine.
Sinabi ni Hua na palaging pinaninindigan ng Tsina na dapat igiit ang prinsipyo ng di-panghihimasok sa mga suliraning panloob at paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Ukraine para maayos na lutasin ang kasalukuyang problema ng bansa.