Sa paanyaya ni David Cameron, Punong Ministro ng Britanya, dadalaw si Li Keqiang, Premyer ng Tsina, sa Britanya.
Nang kapanayamin ng mga Chinese at British media, ipinahayag ni Zhou Xiaoming, Minister Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Britanya, na sa panahon ng pagdalaw ni Premiyer Li Keqiang, lalagdaan ng mga bahay-kalakal na Tsino at Britaniko ang mga kasunduang pangkooperasyon hinggil sa e-commerce, industriyang kultural, solar power plant at pananaliksik at paggagalugad sa medisina.
salin:wle