"Dapat ipaliwanag ng Hapon ang layunin ng kanilang mga aksyong militar." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagtatalaga ng Hapon ng mga ground to ship missle sa Miyako-jima, Okinawa.
Sinabi ni Hua na iginigiit ng Tsina ang mapagkaibigang patakarang panlabas at patakarang pandepensa na nagbibigay-priyoridad sa pagtatanggol sa sarili. Samanatala, buong tatag na pangangalagaan din ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa alinsunod sa ibat-ibang bagong kalagayang panseguridad ng rehiyon, dagdag pa niya.