"Mapanganib at probokatibo ang ginawang aksyon ng panig Hapones." Ito ang ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa "close encounter" na naganap kamakailan sa pagitan ng mga eroplanong panagupa ng Tsina at Hapon, sa Air Defense Identification Zone(ADIZ) ng Tsina, sa East China Sea.
Binigyang-diin ni Qin Gang na dapat magsisi at magtimpi ang Hapon para maisawan ang sagupaang dulot ng maling pagtaya.
Nang tanungin kung saklaw ba o hindi ng ensayong militar ng Tsina at Rusya ang himpapawid at karagatan, sinabi ni Qin na isinapubliko na ng Tsina sa komunidad ng daigdig ang saklaw ng nasabing ensayong militar at ang abisong "no sail" at "no fly" ang lugar.
Walang-duda na nagpadala ang Hapon ng eroplano na pumasok sa ADIZ para sa pagmamanman at pakikialam sa magkasanib na ensasyong militar ng Tsina at Rusya, dagdag pa ni Qin.