Tatlong daang marsh gas equipment na ibinigay ng Tsina ang naihatid kahapon sa lalawigang Takeo ng Cambodia. Dumalo sa seremonya ng donasyon ang 30 opisyal ng dalawang panig na kinabibilangan nina Song Xiaoguo, Commercial Counsellor ng Embahadang Tsino at Sarchetra, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Ministri ng Agrikultura ng Cambodia.
Ipinahayag ni Sarchetra ang pasasalamat sa tulong mula sa Tsina. Sinabi niyang ito ay makakatulong sa pagbawas sa gastos ng pamumuhay ng mga mamamayang Kambodyano.
Ipinahayag naman ni Song na ito ay nagpapakita ng mahigpit na komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Cambodia, lalo na sa larangan ng agrikultura. Ito ay magdudulot ng kaginhawaan sa mga mamamayang Kambodyano, dagdag pa niya.