Canberra, Australia—Ipinahayag kahapon ni Martin Dolan, Puno ng Australian Transport Safety Bureau (ATSB) na ipapatalastas samakalawa ng kanyang Kawanihan ang bagong pook ng paghahanap sa Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Ipinahayag din ni Dolan na muling inaanalisa ng kanyang kawanihan ang mga natanggap na datos at impormasyon para maitakda ang bagong lugar, kung saan ipagpapatuloy ang paghahanap ng nawawalang eroplano.
Idinagdag pa ni Dolan na ang bagong lugar ng paghahanap ay posibleng ilagay, ilang daang kilometro ang layo mula sa timog ng pook kung saan naisawaga ang unang yugto ng paghahanap simula noong Abril.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade