DOHA, Qatar—Inilakip kahapon ng World Heritage Committee ang ekstensyon ng Karst Landscapes sa katimugan ng Tsina sa listahan ng World Heritage ng UNESCO.
Ang bagong-dagdag na Karst Landscapes ay esktensyon ng unang proyekto na inilista bilang Pamanang Pandaigdig noong 2007. Kabilang sa extension project ay ang Guilin Karst at Huanjiang Karst sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi; Shibing Karst sa Lalawigang Guizhou; at Jinfoshan Karst sa Munisipalidad ng Chongqing.
Ang Karst Landscapes ay nabubuo sa mga natutunaw na bato na gaya ng limestone at gypsum.
Sa taong ito, ang 2,400-taong Grand Canal ng Tsina at sanlibong taong Silk Road ng Tsina, Kazakhstan at Kyrgyzstan ay nailakip din sa World Heritage list.
Salin: Jade