"Malulutas ng Thailand ang mga isyu ng bansa sa pamamagitan ng sariling paraan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Heneral Prayut Chan-ocha, Puno ng Komisyon para sa Pangangalaga sa Kaayusan at Kapayapaan ng Thailand. Ito ay bilang tugon sa pahayag kamakalawa ng Unyong Europeo na pansamantalang ititigil nito ang pagdalaw sa Thailand at ang paglagda sa kasunduan hinggil sa estratehikong pakikipagtulungan sa bansang ito.
Noong ika-22 ng Mayo, sapilitang kinuha ng panig militar ang kapangyarihang pampamahalaan sa Thailand at sinusoinde ang bisa ng konstitusyon. Binuwag din nito ang parliamento, noong ika-24 ng Mayo.