Ipinaliwanag kahapon ng National Peace and Order Maintaining Committee (NPOMC) ng Thailand ang pambansang plano ng pag-unlad ng pulitika sa mga dayuhang opisyal na militar sa bansang ito. Bukod dito, inilahad ng NPOMC ang pambansang kalagayan pagkaraang makuha nito ang kapangyarihang administratibo noong ika-22 ng Mayo.
Sinabi ni Colonel Werachon Sukontapatipak, Pangalawang Tagapagsalita ng NPOMC, na ang nasabing aksyon ay naglalayong maipakita ang katapatan at pangako nito sa pagpapasulong ng pag-unlad ng bansa.
Dumalo sa nasabing aksyon ang mga dayuhang opisyal na militar na mula sa 18 bansa na gaya ng Australia, Canada, Tsina, Alemanya, India, Amerika at Britanya.
Sinabi pa ni Colonel Werachon Sukontapatipak na ang pagkuha ng panig militar ng kapangyarihang administratibo ng bansa ay naglalayong wakasan ang hidwaang pampulitika na mahabang panahon nang nananatili, at mapigilan ang paglala ng mga marahas na aksyon sa bansang ito.
Salin: Ernest