Dumating kahapon sa Jeddah sa dakong kanluran ng Saudi Arab si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, para talakayin, kasama nina Abdullah Bin Abdul-Aziz, Hari ng Saudi Arab, at Ahmad Jarba, Lider ng National Coalition for Syrian Revolutionary and Opposition Forces, ang kalagayan sa Iraq.
Hiniling ni Kerry kay Ahmad Jarba na gumanap ng mahalagang papel sa pagpigil sa pagkalat ng Islamic State in Iraq and the Levant (ISIL) sa Iraq.
Bukod dito, umaasa si Kerry na maiimpluwensiyahan ng Saudi Arab ang paksyong Sunni ng Iraq para mapasulong ang paglahok ng naturang paksyon sa bagong buong pamahalaan ng Iraq.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang pagkabahala sa ekstrimistang grupo sa Iraq na gaya ng ISIL. Sinabi niya na ang naturang ekstrimistang grupo ay banta sa pambansang katiwasayan ng Amerika.