Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy at mahigpit na makikipagtulungan ang Embahadang Tsino sa pamahalaan at panig militar ng Iraq para maigarantiya ang ligtas, maayos at mabilis na paglilikas ng mga mamamayang Tsino mula sa bansang ito.
Sinabi ni Hua na pagkaraang maganap ang malubhang sagupaan sa Iraq, agarang sinimulan ng mga departamentong Tsino ang emergency plan para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino at bahay-kalakal ng Tsina.
Salin: Ernest