Ipinatalastas kaninang madaling araw ng Pamahalaan ng Ukraine na ipinasiya ni Pangulong Petro Poroshenko ang pagpapalugit sa deadline ng tigil-putukan sa dakong silangan ng bansang ito hanggang sa huling araw ng buwang ito.
Ipinahayag ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pangulo ng Ukraine na sa panahon ng tigil-putukan, dapat sarado ang mga base ng pangangalap ng mga soldiers of fortune sa Rusya at itigil ang aksyon ng mga ilegal na sandatahang lakas sa Donetsk at Luhansk Oblast.
Bukod dito, inulit sa summit ng mga lider ng Unyong Europeo (EU) ang pagkatig sa pamahalaan ng Ukraine. Hiniling din ng EU sa Rusya na totohanang magsagawa ng mga hakbangin para mahinto ang pagpasok ng mga armadong tauhan at sandata sa Ukraine.