Ipinahayag kahapon ng Tsina ang pagtanggap sa kanselasyon ng Rusya sa paggamit ng sandatang lakas laban sa Ukraine.
Ipinahayag ito ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang regular na preskon.
Pinagtibay kahapon ng Mataas na Kapulungan ng Rusya ang mungkahi ni Pangulong Vladimir Putin na kanselahin ang awtorisasyon sa hukbo ng bansa para sa paggamit ng sandatahang lakas laban sa Ukraine.
Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na ang nasabing kapasiyahan ng panig Ruso ay makakatulong sa paglutas sa isyu ng Ukraine sa paraang diplomatiko.
Salin: Jade