Napagpasiyahan kahapon ng Mataas na Kapulungan ng Rusya na kanselahin ang awtorisasyon sa hukbo ng bansa para sa paggamit ng sandatahang lakas laban sa Ukraine.
Ipinahayag ni Valentina Mavtiyenko, Presidente ng nasabing Kapulungan na ginawa ng kanyang bansa ang nasabing desisyon para malutas ang isyu ng Ukraine sa mapayapang paraan.
Sa isang may kinalamang development, ayon sa patalastas kahapon ng Palasyong Pampanguluhan ng Pransiya, nag-usap sa telepono kahapon sina Pangulong François Hollande ng Pransiya, Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine. Kapuwa nanawagan sina Hollande at Merkel kina Putin at Poroshenko na magtulungan ang Rusya at Ukraine para maisakatuparan ang kapayapaan sa hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Jade