Bilang tugon sa pagkumpirma ng Gabinete ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, ng konstitusyon para isagawa ang collective self-defense rights, nagpalabas ngayong araw ang mga pangunahing mass media ng Hapon, ng mahigpit na batikos hinggil dito. Anang Asahi Shimbun, ito ay napakapanganib na simula sa pulitika ng Hapon.
Tinukoy naman ng Mainichi Shinbun na bawal lumahok sa digma ng ibang bansa ang Hapon, sa ngalan ng kaligtasan ng bansa, dahil muli itong magkakamali katulad noong panahon ng Taisho Era at Showa Era.
Salin: Andrea