Ipinahayag kahapon ni Prajin Jantong, Pangalawang Tagapangulo ng National Peace and Order Maintaining Council (NCPO) ng Thailand, na hindi bubuwagin ang NCPO pagkaraang maitatag ang transisyonal na pamahalaan sa hinaharap. Dagdag pa niya, magkasamang mangangasiwa ang NCPO at transisyonal na pamahalaan sa bansang ito.
Nang kapanayamin ng media, sinabi ni Prajin Jantong, na batay sa roadmap ng reporma na isinapubliko ng NCPO nauna rito, pumasok na sa ika-2 yugto ang planong ito para itatag ang Pambansang Lehislatibong Asemblea, Pambansang Lupon sa Reporma at transisyonal na pamahalaan. Aniya pa, patuloy na magtutulungan ang NCPO, kasama ng naturang tatlong organo, para matapos ang lahat ng mga gawain ng reporma, maitakda ang bagong konstitusyon at maidaos ang bagong pambansang halalan sa hinaharap.