|
||||||||
|
||
TOKYO,Hapon—Nagtipun-tipon ang mga miyembro ng apat na samahang pangkapayapaan ng Hapon sa Pasuguan ng Tsina bilang paggunita sa ika-77 anibersaryo ng walong taong pakikibaka ng Tsina laban sa militarismong Hapones at nagpahayag ng kanilang hangarin sa kapayapaan at pagkakaibigan.
Ipinahayag ni Nobuo Okimatsu, representative director ng 815 Japan-China Friendship Association at dating Kamikaze suicide attacker na sa kasalukuyan, sa lipunan ng Hapon, palaki nang palaki ang ingay ng pagtanggi sa pananalakay ng militarismong Hapones. Nakaugat ito sa di-tumpak na pagkakaunawa sa dahilan ng pagkatalo ng Hapon sa digmaan at sa kakulangan sa pagsisisi sa digmaan.
Sinabi naman ni Cheng Yonghua, Sugong Tsino sa Hapon na upang mapasulong ang pagkakaibigang Sino-Hapones, kailangang gawing salamin ng dalawang bansa ang kasaysayan. Pero, may intensyon ang administrasyon ni Shinzo Abe na pagtakpan ang kasaysayan ng pananalakay at ipinakikita rin niya ang ambisyon sa pagpapalakas ng puwersang militar.
Pitumpu't pitong (77) taon ang nakakaraan, sa Lugou Bridge o Marco Polo Bridge, sinalakay ng hukbong Hapones ang Wanping, fortress town ng Beijing. Itinuring ito bilang pagsisimula ng walong taong pakikibaka ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng militarismo ng Hapon.
Ayon sa datos, sa walong taong pananalakay ng Hapon, kalahati ng Tsina ang niyurakan ng mga mapanalakay na Hapones; 930 siyudad ang sinakop; 42 milyong mamamayang Tsino ang nawalan ng kanilang tahanan; mahigit 35 milyong sibilyan at sundalong Tsino ang namatay at nasugatan; halos 7,000 sa 40 libong trabahador na Tsino na dinakip at ipinadala sa Hapon ang namatay sa bansang iyon; mahigit 33 milyong toneladang bakal at 580 milyong karbon ang ninakaw ng mga mapanalakay na Hapones.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |