Idinaos kahapon sa Beijing ang Ika-4 na Diyalogo ng Estratehiya at Seguridad ng Tsina at Amerika. Ang diyalogong ito ay nasa ilalim ng balangkas ng Diyalogo ng Estratehiya at Kabuhayan ng dalawang bansa.
Magkasamang nangulo sa diyalogong ito sina Zhang Yesui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si William J. Burns mula sa Amerika. Dumalo rin sa diyalogong ito sina Wang Guanzhong, Pangalawang Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, Cui Tiankai, Embahador Tsino sa Amerika, Christine Wormuth, Pangalawang Kalihim ng Tanggulan ng Amerika, at Max Baucus, Embahador Amerikano sa Tsina.
Nagpalitan ang mga kahalok ng dalawang panig ng palagay hinggl sa mga isyung panseguridad. Sumang-ayon din sila na pasulungin ang mekanismo ng diyalogo para ibayo pang palalimin ang pagtitiwalaan at pagtutulungan ng dalawang panig.
Salin: Ernest