Ipinahayag kahapon ni Chin Socheat, dalubhasa ng the Royal Academy of Cambodia, na ang Limang Simulain ng Mapayapang Pakikipamuhayan ay ginawa sa masalimuot na background ng pandaigdigang pulitika noong nakatakdang panahon para malutas ang kontradiksyon at gusot sa pagitan ng mga bansa. Ito aniya ay nakatulong para maiwasan ang karahasan, dugo at sagupaan.
Aniya pa, kahit 60 taon ang nakakaraan, nagbago nang malaki ang pandaigdigang situwasyon. Ngunti, hanggang sa kasalukuyan, mayroon pa ring malaking katuturan ang Limang Simulain ng Mapayapang Pakikipamuhayan.
Salin: Andrea