Dumating kahapon sa Brasil si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para isagawa ang dalaw pang-estado sa bansang ito. Makikipagtagpo rin si Xi sa mga lider ng mga bansa ng Latin Amerika at Caribbean Sea.
Sa paliparan, ipinahayag ni Xi na palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Brazil at ibang mga bansa ng Latin Amerika. Dagdag pa niya, ang kanyang pagdalaw ay naglalayong ibayo pang pasulungin ang kooperasyon at relasyon ng dalawang panig.
Pagkatapos ng Brazil, dadalaw rin si Pangulong Xi sa Argentina, Venezuela at Cuba.