Sa paanyaya nina Pangulong Dilma Rousseff ng Brazil, Pangulong Christina Fernandez de Kirchner ng Argentina, Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela, at Raúl Castro, Tagapangulo ng Konseho ng Estado ng Cuba, lumisan kaninang umaga ng Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para isagawa ang dalaw pang-estado sa naturang 4 na bansa.
Sa kanyang pananatili sa Brazil, dadalo rin si Xi sa ika-6 na Pulong ng mga Lider ng bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa). Bukod dito, dadalo rin si Xi sa pulong ng mga lider ng Tsina at mga bansa sa Latin Amerika at Caribbean Sea.