Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay Pangkalahatang Kalihim ng Lao People's Revolutionary Party at Pangulo ng Laos na si Choummaly Sayasone, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) at Pangulo ng estado na sa kabila nang nagbabagong kalagayang pandaigdig, buong lakas na pasusulungin ng Tsina at Laos ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang partido at estado.
Tinukoy ng Pangulong Tsino na kasalukuyang isinasabalikat ng Tsina at Laos ang tungkulin sa pangangalaga sa katatagan at kaunlaran ng estado. Aniya, inaasahang igigiit ng Tsina at Laos ang landas ng pag-unlad na angkop sa kani-kanilang aktuwal na kalagayan at mapapangalagaan ang kani-kanilang nukleong interes. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos para sa pagpapahigpit ng pagdadalawan sa mataas na antas, pagpapalakas ng estratehikong pagpapalitan, pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan, pagpapalalim ng kooperasyon sa law enforcement at seguridad, pagpapalakas ng pagpapalitan ng mga kabataan at iba pa.
Ipinahayag naman ni Choummaly Sayasone na nitong ilang taong nakalipas, lumalalim ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Laos. Umaasa aniya siyang pahihigpitin pa ang pagdadalawan ng dalawang panig sa mataas na antas at pagpapalitan ng karanasan sa pangangasiwa sa estado para pasulungin ang sosyalistang konstruksyon ng dalawang bansa.
Nakipag-usap din kay Choummaly Sayasone si Wang Qishan, Pirmihang Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.