Ipinatalastas kahapon sa White House ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang mas malawak na sangsyon laban sa Rusya, sa larangang militar, pinansyal at enerhiya. Ito ay kinabibilangan ng pagsuspinde sa pagluluwas ng materyal at teknolohiya sa larangan ng enerhiya, isinasagawang maginhawang patakaran at suporta ng pondo sa mga proyektong pangkabuhayan ng Rusya, at iba pa.
Sapul nang sumiklab ang krisis sa Ukraine, nananatiling maigting ang relasyong Amerikano-Ruso. Binatikos ng Rusya ang Amerika na ibukod ito sa isyu ng Ukraine. Sa panig naman ng Amerika, binatikos nito ang Rusya sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng Ukraine, at hinihintay nitong ipataw, kasama ng mga bansang kanluranin ang sangsyon laban sa Rusya.