Sa isang komunike na ipinalabas kahapon ng Pransya, sinabi nitong napagpasiyahan ng mga lider ng Pransya, Amerika, Alemanya, Britanya, Italya ang pagpataw ng bagong sangsyon laban sa Rusya dahil sa kasalukuyang kalagayan sa Ukraine. Ito ay ginawa ng limang bansa, pagkaraan ng kanilang pag-uusap sa telepono, nang araw ring iyon, bilang tugon sa di pagbibigay-presyur ng Rusya hanggang ngayon sa mga rebelde sa Ukraine na idaos ang talastasan at hindi nito pagpigil sa pagpasok ng mga sandata sa loob ng Ukraine sa pamamagitan ng purok-hanggahan ng Ukraine at Rusya.
Nauna rito, sa kanyang pakikipag-usap kamakalawa sa telepono kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya na dapat agarang itigil ang palitang-putok sa Ukraine at simulan ang diyalogo ng ibat-ibang may-kinalamang panig, alinsunod sa kasunduang narating ng Rusya, Amerika at Ukraine sa Geneva, noong ika-17 ng Abril.