Sumang-ayon ang Rusya at Amerika sa paggamit ng mga pangkagipitang hakbangin para lutasin ang krisis ng Ukraine.
Tinalakay kahapon sa telepono nina Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, at kanyang counterpart na si John Kerry mula sa Amerika, ang hinggil sa kalagayan ng Ukraine.
Tinukoy ng dalawang panig na dapat sundin ng dalawang nagsasagupaang panig ng Ukraine ang deklarasyon na itinakda ng Rusya, Amerika, Ukraine, at Unyong Europa (EU), noong ika-17 ng Abril sa Geneva.
Bukod dito, binigyang-diin ng dalawang panig, na ang nasabing krisis ay dapat lutasin sa mapayapaang paraan at pundasyon ng pambansang rekonsilyasyon, sa halip na paraang militar.