|
||||||||
|
||
Kinumpima ngayong araw ng Tsina na wala pang Ebola case sa bansa.
Ipinahayag ito ni Song Shuli, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan at Pagpaplano ng Pamilya ng Tsina, sa isang preskon.
Idinagdag pa niyang isang serye ng hakbangin ang isinasagawa ngayon ng Tsina para mapigilan ang pagpasok ng virus sa bansa.
Tinukoy ng tagapagsalitang Tsino na ayon sa evaluation report ng World Health Organization (WHO), mababa ang panganib ng pagkalat ng Ebola virus sa labas ng Aprika, pero, kailangan pang malaman ng mga mamamayang Tsino ang hinggil sa virus na ito at kung paano pangangalagaan ang sarili.
Ayon sa ulat kahapon ng WHO, 932 na ang bilang ng mga namatay dahil sa Ebola sa Kanlurang Aprika.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |