Kumakalat pa rin ang Ebola virus at tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit sa Guinea, Sierra Leone, Liberia at iba pang bansa sa Aprika. Dumating kahapon sa Conakry, kabisera ng Guinea ang makataong tulong na materyal ng Tsina na nagkakahalaga ng 30 milyong yuan RMB para sa nasabing tatlong bansa.
Ito ay ika-2 batch ng pangkagipitang tulong ng Tsina na ipinakaloob sa mga bansa sa dakong Kanluran ng Aprika. Nang araw ring iyon, dumating rin sa Conakry ang grupo ng mga dalubhasa ng pampublikong kalusugan ng Tsina para magbigay-tulong sa paglaban sa Ebola virus.
salin:wle