Kaugnay ng pagkalat ng epidemiya ng Ebola, magkakahiwalay na nagpadala ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang counterpart mula sa Guinea, Sierra Leone at Libya na sina Alpha Condé, Ernest Bai Koroma at Ellen Johnson Sirleaf bilang pangungumusta sa nasabing tatlong bansa.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Xi na hindi malilimutan ng Tsina ang ibinigay na tulong at suporta ng mga bansang Aprikano sa panahong naranasan ang Tsina ng kahirapan. Nakahanda ang Tsina na tulungan ang nasabing mga bansa para mapigil at makontrol ang pagkalat ng epidemiya ng Ebola.
Ayon sa isang may kinalamang ulat, nakarating na kahapon sa Freetown, kabisera ng Sierra Leone ang pangkagipitang medical supplies mula sa Tsina bilang tugon sa epimediya ng pagkalat ng Ebola.
Salin: Jade