Ipinahayag kamakailan ng Kyodo News Agency ng Hapon na nitong ilang taong nakalipas, tuloy-tuloy na nagbibigay-galang ang mga sundalo ng self defense forces na pandagat ng Hapon sa Yasukuni Shrine, at ito ay labag sa katugong prinsipyo ng Konstitusyon ng Hapon sa paghihiwalay ng pulitika at relihiyon.
Anito, bilang spirituwal na batayan ng paglulunsad ng militarismong Hapones nang digmaan laban sa mga bansang Asyano, ang Yasukuni Shrine ay may mahigpit na pakikipag-ugnayan sa panig militar ng Hapon sa kasaysayan.
Ayon naman sa Pahayagang Yasukuni Shrine, nagbigay-galang noong Mayo sa Yasukuni Shrine ang isang daang sundalong pandagat na nakasuot ng uniporme. Kaugnay nito, ipinahayag ng panig militar ng Hapon na ang mga ito ay pribadong aktibidad ng mga sundalo. Pero, itinanggi ito ng mga iskolar dahil sa kanilang isinuot na uniporme.
Bukod dito, ilang katulad na ulat na ang inilathala kada taon sa naturang pahayagan sapul noong taong 2000.