Ipinahayag ni Azzam el-Ahmad, namamahalang tauhan ng delegasyon ng Palestina sa talastasan ng tigil-putukan, na sinang-ayunan ng Palestina at Israel ang pagdaragdag ng limang araw sa isinasagawang pansamantalang tigil-putukan sa Gaza
Sa isang pahayag na inilabas kagabi ng pamahalaan ng Ehipto, sinabi nitong sinang-ayunan ng Palestina at Israel ang pagdaragdag ng limang araw sa isinasagawang pansamantalang tigil-putukan sa Gaza.
Ayon pa sa pahayagang Pyramid Daily ng Ehipto, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa narating ng Palestina at Israel ang kasunduan sa Cairo hinggil sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang tigil-putukan. Natapos nitong Lunes ang nakatakdang 72 oras na tigil-putukan ng dalawang panig.
Ayon sa ulat, sa kasalukuyang talastasan, hinihiling ng Israel sa Palestina na disarmahan ang lahat ng mga armadong puwersa sa Gaza; sa panig naman ng Palestina, dapat agarang umurong ang mga tropang Israeli mula sa Gaza, itigil ang air raid, alisin ang pagsara sa Gaza at palayain ang mga bilanggo.