Ayon sa ulat kahapon ng Middle East News Agency (MENA), official news agency ng Ehipto, nang araw ring iyon, narating ng Palestina at Israel ang kasunduan sa 72 oras na tigil-putukan. Ang naturang kasunduan ay epektibo mula alas-dose ngayong araw.
Ayon pa sa ulat ng MENA, na sinapi sa isang miyembro ng delegasyon ng Palestina na nasa Ehipto, tinatanggap ng Israel ang kasunduan ng tigil-putukan, at magpapadala ito ng delegasyon sa Cairo para sa talastasan sa loob ng ilang oras.
Kinumpirma naman ito ng opisyal ng pamahalaang Isreali. Ang planong ito ay tinanggap din ng iba't ibang grupo ng Palestina.
salin:wle