Rehersal ng seremonya ng pagbubukas ng YOG
Bukas ng gabi, bubuksan sa Nanjing ng lalawigang Jiangsu, Tsina, ang ika-2 Youth Olympic Games (YOG). Lalahok sa seremonya ng pagbubukas sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Thomas Bach, Pangulo ng The International Olympic Committee (IOC), Pangulong Tony Tan Keng Yan ng Singapore at iba pa.
Idaraos ang YOG mula Ika-16 hanggang ika-28 ng buwang ito. Lalahok dito ang 3800 manlalaro mula sa 204 na bansa at rehiyon ng buong daigdig. Ang 134 na manlalaro mula sa mga bansa ng Timog Silangang Asya ay lalahok sa YOG, 7 sa kanila ay mula sa Pilipinas.
Salin:Sarah