Ipinatalastas kahapon ng International Olympic Committee (IOC) na itatalaga si Yao Ming bilang embahador para sa Ika-2 Youth Olympic Games (YOG) na gaganapin sa Nanjing, Tsina, sa darating na Agosto.
Ayon sa IOC, bilang basketball legend na Tsino, makikipagbahaginan si Yao sa mga kabataang atleta ng kanyang mungkahi at karanasan sa pandaigdig na paligsahan. Magbibigay din siya ng inspirasyon sa mga manlalaro para yakapin ng huli ang diwa at kahalagahan ng Olympiyada. Sasali rin si Yao sa paligsahan ng 3 on 3 basketball.
Napili ring bilang embahador para sa gaganaping YOG sina Chad le Clos, manlalangoy mula sa Timog Aprika at Michelle Wie, golfer mula sa Timog Korea.
May 28 isports na kinabibilangan ng rugby at golf ang gaganaping YOG na idaraos mula ika-16 hanggang ika-28 ng Agosto.
Salin: Jade