WASHINGTON, Xinhua—Ipinahayag kahapon ng Central Command ng Amerika na nawasak ng mga eroplanong panagupa nito ang ilang sasakyang militar ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) sa dakong hilaga ng Iraq.
Dalawampu't tatlong air raid na nakatuon sa mga target sa Mosul Dam ang isinagawa kamakalawa at kahapon ng tropang Amerikano.
Sa kanyang mensahe sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na ang layunin ng kanyang kautusan para atakihin ang nabanggit na dike ay protektahan ang mga tauhan at pasilidad na Amerikano na kinabibilangan ng Pasuguan ng Amerika, magbigay ng tulong na humanitaryan at magkaloob ng suporta sa pamahalaang Iraqi para mabawi ang nasabing dike.