Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

VINCENT DELA CRUZ: Nasundan ang YOG mula Singapore hanggang sa Nanjing

(GMT+08:00) 2014-08-18 13:58:55       CRI

Si Vincent Dela Cruz

Pakiklik para pakinggan ang panayam kay Dela Cruz

High School Principal si Vincent Dela Cruz sa Meridian International Learning Experience. At nasundan niya ang paglago ng Youth Olympic Games (YOG) mula sa Singapore hanggang sa kasalukuyang pagdaraos nito sa Nanjing. Sa punto de vista ng mga guro maraming pwedeng matutunan ang kanilang mga mag-aaral sa pagdalo sa YOG.

"Naniniwala kasi kami na specially for our students, for the next generation its very important to widen their world. It is also very important to get to benchmark on so many things outside of the Philippines para maangat ang standards nila, para alam nila kung ano ang ibig sabihin ng globally competitive na Filipino and someone who is in touch with their roots."

Nagpunta si Ginoong Dela Cruz sa Singapore bilang isang manonood lamang. At nang makita ang kagandahan ng karanasang ito, iminungkahi niyang piliin ang YOG sa Nanjing para sa kanilang educational tour ngayong taon. "And we also feel that China is a very ripe educational hub for our students especially in the 21st century."

Hinggil naman sa katatapos lang na Opening Ceremony ng YOG, sinabi ni Dela Cruz na ang pakiramdam niya at ng kapwa niya mga guro na ang palabas ay kaunti ang elemento hinggil sa Olympics at mas marami ang pokus tungkol sa Tsina. "We really feel it's a part two of the Beijing Olympics in 2008. So it was a very beautiful experience for both the teachers and the students. In terms of creativity talaga namang top-notch. But in the same manner yung kanilang pride sa Chinese culture and heritage it's something I feel students should also get specially when it comes to being proud of their own roots, about them as Filipinos. Hopefully yun yung gusto naming makita ng mga bata pagbalik sa Pilipinas.

Ano naman ang masasabi niya tungkol sa Nanjing? Sinabi ng Social Studies teacher na ang Nanjing ay halong rural at urban. Ito ay isang emerging city at di pa ganoong usad kumpara sa Beijing or Shanghai. Kaya ito ay may napakalaking potensiyal. Bilang pagtatapos ito ang pagtasa niya sa YOG "I think the local government of Nanjing really prepared for the Youth Olympic Games."

 

Ang buong delegasyon ng Meridian International na binubuo ng 28 mag-aaral at 10 guro. Sila ay kasalukuyang nasa Nanjing para masaksihan ang Ikalawang Youth Olympic Games at tuklasin ang Nanjing.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>