BEIJING, Xinhua--Ipinagdiinan kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalagahan ng inobasyon sa pagbabago ng pamamaraan ng pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan.
Winika ito ni Xi sa isang pulong ng Central Leading Group sa mga Suliraning Pinansyal at Ekonomiko ng bansa.
Sinabi ni Xi na dahil sa tumitingkad na papel ng teknolohiya sa progresong pangkabuhaya't panlipunan, kailangang samantalahin ng Tsina ang pagkakataong ito para makapaglunsad ng bagong round ng inobasyon, sa ilalim ng pandaigdig na kompetisyong panteknolohiya.
Pinahahalagahan din ni Pangulong Xi ang mga talent sa pagpapasulong ng inobasyon. Ipinagdiinan din niyang ang mga bahay-kalakal ay kailangang maging pangunahing lakas sa inobasyon.
Salin: Jade