|
||||||||
|
||
20140819familyaudio.mp3
|
Pagkatapos ng eskwela diretso sa training. Araw-araw pitong oras na pagsasanay sa gymnastics. Sa isang taon, isang linggo lang ang kanyang bakasyon. Ito ang buhay ni Ava Lorein Verdeflor sa Texas, USA kung saan nakabase ang gymnast na kasama sa koponan ng Pilipinas.
Siyam na taong paghihirap, ganito katagal bago narating ni Verdeflor ang pangarap na makasali sa Nanjing Youth Olympic Games (YOG).
May mga pagkakataong gusto nang bumitiw ni Ava at ng kanyang pamilya.
Ayon sa inang si Lea Verdeflor,
"Is this worth it? Nafrufrustrate ka na dahil ang daming sacrifices. Pero ngayong nangyayari ito, naeenjoy ng mga anak ko ang Olympic Village, I'm like Oh my God it's worth it!"
Kahapon sa Qualifying Round ng Artistic Gymnastics, maganda ang naging performance ni Verdeflor at natapos sa ika-pitong pwesto. Matapos ang 2 rotation nakakuha siya ng total na 50.200.
Sa panayam ng Serbisyo Filipino di maitago ang saya ng ina, "Very happy kami because she did really well. Meron mga kaunting mistakes but over all it was good."
Dagdag ng amang si Arvin Verdeflor,
"I think that's the best all-around score ever. For that to happen in the Olympics is perfect. Our goal was for her to expereince this. The fact that she made it here is a big achievement."
Sa 204 na bansang kalahok sa YOG, 42 ang mga gymnasts na maglalaban laban. At sa kasalukuyan ika-12 si Ava Lorein Verdeflor sa 18 na pumasok sa final. Kaya naman dapat siyang ipagmalaki.
Ani Riemann Verdeflor, bunsong kapatid ni Ava, "Not everyone can say that they have a family member that's in the Youth Olympics. So I think this is something really big."
Literal na tinitingala niya ang ate pero ngayong Olympian na ito, mas may dahilan para hangaan niya at maging inspirasyon ang kapatid. "Im trying to pick up some sports," dagdag ni Riemann.
Panawagan ng pamilya Verdeflor na suportahan at ipagdasal ng mga kababayang Pinoy si Ava sa kanyang nalalapit na finals.
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |