|
||||||||
|
||
Si Dyana Garcia (gitna) kasama sina Andrea Wu at Machelle Ramos
Ginanap kagabi ang Opening Ceremony ng Ikalawang Youth Olympic Games sa Nanjing Olympic Stadium. Ang higit dalawang oras na palabas, ay kinakitaan ng sky diving dancers, dambuhalang telescopes, human pantomime camels at isang pagsubok para lumikha ng world record selfie record. Sa isang pangungusap: Kumpleto sa rekado ang Nanjing 2014 Youth Olympic Games Opening Ceremony. Ito ay malikhaing binuo sa pamumuno ni Chief Director Chen Weiya at ang palabas ay engrande, may nakamamanghang pagpapakita ng lakas ng loob, pagkakaisa at pagmamalaki sa kakayanan ng mga Tsino.
Kinapanayam ng Serbisyo Filipino si Dyana Garcia, Program Manager ng TV5 ang opisyal na broadcaster sa Pilipinas ng Nanjing Summer Youth Olympic Games. Ayon sa media executive ang palabas ay higit pa sa kanyang inasahan.
"Talagang napakaganda, in-expect ko naman iyon kasi pag Olympics, lalo na ginawa dito sa China, talagang hindi iyan magpapatalo, palagi sila talagang nagle-level-up. Lumampas sa ekspektasyon ko na alam ko ng maganda pero talagang nakakamangha, talaga iyong ginawa nila. Besides, it's so beautiful, wala akong masabi. Talagang hi-tech ang dami-dami performers, binagay pa nila sa Youth Olympics. Talaga mag-eenjoy ang mga kabataan sa buong mundo. So, I'm sure proud na proud iyong Presidente.
Highlight ng palabas ang bahagi kung saan nagtanghal nang nakabitin ang ilang mga acrobats. Gaya ng libo-libo sa audience, namangha rin si Garcia.
"Parang ngayon lang ako nakakita ng ganun na may choreography ang hirap gawin non. Ang hirap iensayo yun kasi kapag nasa floor na kayo, nagsasayaw di ba? Pero paano kayo nagpapraktis kapag nakasabit ng ganoon, di ba? Para sa akin, iyon ang pinaka-highlight ng performance, aside from the effects. Mahirap yun talaga. I'm sure matagal sila nag-praktis, matagal pinag-isipan."
Napansin din niya ang paggamit ng maraming elemento tulad ng props,materials at ang visual effects.
"Paano nila pinagsamasama iyon. Siguro iyong ang mga elemento na hindi lang magrerely sa puro lights, puro dance, paano mo ihahalo ang lahat iyon para sa isang magandang performance.Pinagsama sama nila lahat to make one great performance.Siguro kailangan sa mga Pilipino pag gumagawa sila ng mga ganoong programa. Huwag sila palagi sa common o basic. (Sana)palagi sila mag-isip kung paano talaga magpapaganda iyong buong number."
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |