|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Punong Ministrong Benjamin Netanyahu ng Israel na ipagpapatuloy nito ang aksyong militar sa Gaza hanggang itigil ng Hamas ang paglulunsad ng missiles laban sa Israel.
Ayon sa ulat, isang air raid ang inilunsad ng Israel kamakalawa ng gabi laban sa tirahan ni Mohammad Deif, Puno ng Qassam Brigades, isa sa mga sandatahang lakas ng Hamas. Sa kasalukuyan, wala pang impormasyon hinggil sa pagpatay o hindi kay Deif sa pag-atake.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |