|
||||||||
|
||
Sina Gabriel Moreno at Li Jiaman sa medal-awarding ceremony
Sa ika-2 Nanjing Youth Olympic Games (YOG), nakuha kahapon ang medalyang ginto sa mixed international event ng archery ng koponan ng Tsina at Pilipinas na binubuo nina Gabriel Moreno ng Pilipinas at Li Jiaman ng Tsina.
Sa pamamagitan ng simpleng salita at gestures, sinuportahan nila ang isa't isa at natamo ang medalyang ginto sa final. Ito ang unang medalyang ginto ng Pilipinas sa kasaysayan ng YOG.
Kinapanayam ni Mac Ramos, reporter ng Serbisyong Filipino ng CRI si Gabriel Moreno ilang araw bago ang kanyang laban
Sinabi ni Moreno: "Sa kompetisyon, pinalakas ang loob ko ni Li Jiaman, talagang kailangan ko ang ganitong paghikayat. Sabi niya sa akin, huwag kong isaalang-alang ang iba, at magkaroon ng kompiyansa sa sarili." Umaasa si Moreno na mabibigyan ng pag-asa ng medalyeng ito ang mas maraming atleta na makalahok sa 2016 Rio Youth Olympics.
Sinabi naman ni Li: "Nag-usap kami sa simpleng Ingles, ang lahat ng gesture namin ay nangangahulungan ng paghikayat at pagsuporta," aniya pa, "pagkatapos ng bawat tira, naghigh-five kami, nagthumbs-up din kami o inilagay ang kanang kamay sa dibdib para ipahayag ang suporta sa isa't isa."
Isinalin mula sa Xinhua ni Andrea
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |