Matapos mapanood ang laban ni Celdon Arellano na nabigong mag-qualify sa 10m Air Rifle final, ipinayag ni Jonne Go, Chef de Mission ng Pilipinas sa Ikalawang Youth Olympic Games na kailangang pataasin pa ang kumpiyansa ng mga atletang Pinoy pagdating sa mga kumpetisyon.
"Narealize ko when I was watching him and also the other athletes, kulang tayo sa exposure kaya siya medyo kabado. Medyo wala sa timing. As you compared seeing the other athletes makikita mo yung confidence ang laking bagay. As officials of the Philippines in sports we really have to expose these athletes more especially in this event."
Ikinasiya naman ni Go ang pagiging positibo at palaban ng gymnast na si Ava Lorein Verdeflor na lalahok sa all-around finals ngayong gabi. At ipinahayag ang pag-asang ibibigay ang lahat ng mga Archers na sina Luis Gabriel Moreno at Bianca Cristina Gotuaco na lalahok sa eleminations sa darating na Biyernes.
Jonne Go, Chef-de-Mission