Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bianca Gotuaco: Target medalyang Olimpiyada

(GMT+08:00) 2014-08-21 16:43:54       CRI

Sina Bianca Gotuaco at Macehlle Ramos

Katatapos lang ng ensayo nang umupo para sa isang panayam para sa Serbisyo Filipino si Bianca Gotuaco, Archer ng Team Pilipinas sa Nanjing Youth Olympic Games (YOG).

Si Bianca Gotuaco

Walang bahid ng pagod at puno siya ng sigla. Handa na rin siya para sa nalalapit na kumpetisyon niya. "I stay positive and make goals. Goals are important. Not to stop until you reach a goal.That's the most important thing for me."

Target ng 17 taong gulang na archer ang mag-uwi ng medalya mula sa Olimpiyada. Hindi madali na makasali sa YOG. Nabigo siya sa Youth World Championships pero pinalad na makuha ang slot sa Continental qualifiers. "When I first got in I was very very excited. And I still am very excited. The village is very nice, the venues are very nice and the people are very nice. So I'm very happy."

Dahil isang malaking international sports event ang YOG mga dekalibreng atleta ang makakalaban niya. At isang bagay na dapat niyang pagtuunan ng pansin ayon sa kanyang coach ang pagiging kalmado sa ilalim ng matinding presyur ng laro.

Magiging apektado ba siya nito? Tugon ni Gotuaco "I've been to a lot of competitions. One of the main things I've learned is that you have to stay calm in archery. I've learned how to do that."

Dagdag niya lahat ng atleta sa YOG ay malakas kasama dito ang mga taga Korea, Tsina, Mexico at India.

Mataas ang kumpiyansa ni Jonne Go chef-de-mission ng Pilipinas sa kakayanan ni Gotuaco at sa kasama nitong si Luis Gabriel Moreno. Paliwanag ni Gotuaco na ito ay marahil sa mga naging karanasan nila sa maraming mga paligsahan sa ibat ibang bahagi ng mundo. At sa magandang ipinakita nila sa mga katatapos lang na kumpetisyon.

Sa kanyang ranking sa Biyernes ito ang balak niya, "I just plan to bring my best physical and mental game. Im just going to do my best."

Nais ipahayag ni Gotuaco ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya. Para sa kanya napakagandang karanasan ang mapasama sa YOG dito sa Nanjing, "You get to meet a lot of people and learn different things about different cultures. And it makes you well rounded and open."

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>