Ipinahayag kahapon ni Prayuth Chan-ocha, Pansamantalang Punong Ministro ng Thailand, na patuloy na winewelkam niya ang mga pamumuhunan mula sa Europa at buong sikap na igagarantiya ang kapakanan ng mga mamumuhunang Europeo.
Nakipagtagpo siya sa mga kinatawan ng mga mangangalakal na Europeo sa Thailand. Ipinahayag ng mga kinatawang Europeo na wala silang interes sa pulitika ng Thailand. Gusto nilang tulungan ang pag-unlad ng teknolohiya ng Thailand at mapawi ang mga kahirapan sa pamumuhunan sa bansang ito.