Ipinahayag ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina na kasalukuyang dumadalo sa Economic Ministers' Meeting ng Silangang Asya, sa Nay Pyi Taw, Myanmar, na sinang-ayunan ng mga kalahok sa pulong ng mga Ministrong Komersyal ng Tsina at ASEAN ang pagsasagawa ng mga negosasyon para sa upgrade ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN(CAFTA) para itatag ang isang sonang pangkalakalan na angkop sa kasalukuyang pangangailangan sa pagtutulungan nitong pangkalakalan.
Kaugnay ng mga nilalaman sa pagtutulungan ng bagong CAFTA, ipinalalagay ni Xu Ningning, Puno ng Konsehong Pangnegosyo ng Tsina at ASEAN na ito ay kabilang sa ibayo pang pagpapalawak sa pamilihan ng kargo, serbisyo at pamumuhunan, at pagpapasulong ng connectivity ng Tsina at ASEAN.